Suspek sa hotel robbery naaresto dahil sa paglabag sa no-smoking ordinance

Imahe mula sa Pasay City Police

Isang suspek sa multi-million Mabuhay Manor Hotel robbery na naganap noong Enero sa Pasay City ang hindi maaresto ng pulisya dahil sa kawalan ng warrant of arrest laban sa kanya. Nahuli lang ang suspek nang lumabag siya sa isang simpleng ordinansa – no-smoking in a public place.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi umano ni Senior Supt. Roger Quesada, Marikina City police chief, na sinita ang suspek na kinilalang si Randy Rhey Viray sa Barangay Barangka dahil sa paglabag niya sa no-smoking ordinance ng Marikina.

Imahe mula sa Marikina Police

Ani Quesada, nakuha ang isang loaded .38 caliber revolver sa backpack ni Viray nang inspeksyunin iyon. Isang sachet ng shabu ang narekober mula sa suspek na itinago nito sa kanyang ball cap.

Ayon pa sa opisyal, si Viray ay matagal nang under surveillance nang idawit siya ni Rene Cachila; isa pang suspek sa hotel robbery na nauna nang naaresto.

Dahil wala raw warrant of aarest na isyu ng korte ay hindi nila maaresto si Viray kaya binantayan lang nila ito hanggang sa makagawa nga ng paglabag ng isang ordinansa, paliwanag ni Quesada.

Si Viray ang sinasabing kumuha ng $15,000 cash, gadgets at alahas mula sa Fil-Am na si Dominador Castro at pamilya nito na pawang mga guest ng Mabuhay Manor Hotel.

Ayon sa pulisya, tatlo pang suspek sa hotel robbery ang hindi pa nahuhuli.

Loading…