Random drug test sa media personalities, iminungkahi ng mambabatas

Imahe kuha sa video ng PTV News

Kamakailan lang ay inanunsiyo ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na nadoble na ang bilang ng mga personalidad na kasama sa narco-list, kabilang na ang media personalities, uniformed personnel, judges, government employees at officials.

Ani Aquino, noong 2016 ay nasa 3,000 ang bilang ng nasa nasabing listahan at ngayon ay nasa mahigit 6,000 na.

Kasunod ng ginawang pag-anunsiyo ng PDEA, iminungkahi naman ni House of Representatives Dangerous Drugs Committee Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe na isailalim sa random drug test ang mga miyembro ng media.

Drug Test (Imahe mula sa RMN)

Ayon sa ulat ng RMN, ang random drug test ay mainam daw upang malinis ang hanay ng mga taga-media.

Dapat umanong sampahan ng kaso ang mga taga-media na mapatutunayang sangkot sa ilegal na droga at ang mga inosente ay alisin sa narco-list.

Inamin naman ni Batocabe na hindi kayang matukoy ng drug test ang isang tao na hindi gumagamit ng ilegal na droga pero sangkot naman sa illegal drug trade.

Loading…