Natitirang sanggol ni Heart Evangelista pumanaw na rin

Image capture from Heart Evangelista Instagram account

Pumanaw na rin ang natitirang sanggol sa sinapupunan ni Heart Evangelista makaraang mapag-alamang wala na itong heartbeat.

Magugunita nito lamang May 12 nang inanunsiyo nina Heart at  mister nitong si Senator Chiz Escudero  na kambal ang ipinagbubuntis ng aktres.

Image capture from Heart Evangelista Instagram account

Mayo 17 naman nang ibahagi niya na wala nang heartbeat ang isa sa kambal na ipinagbubuntis niya. Aniya sa kanyang post: “Unfortunately one of the embryos was smaller and behind in terms of development and so we lost one of the twins.”

Sa IG post ni Heart nitong June 6, muling nagpahayag ng kalungkutan ang Kapuso actress sa sinapit ng natitirang niyang sanggol.

Ayon kay Heart, “There are not enough words to express how heavy my heart feels but I know it’s important to share this because it’s part of my motherhood journey.

“At this week’s Doctor appointment, just as we hit the 3 month mark, we found out that her heart stopped beating.”

“For some it might be early on but for us, we were so ready to meet you, little one,” patuloy pa nito.

Labis namang nagpapasalamat si Heart  sa kanyang naging karanasan sa pagbibigay ng unconditional love sa sana’y unang anak.

Carrying you made me feel like a completely new person. Just the thought of you taught me what unconditional love feels like.

The Doctor told me that there really wasn’t anything we could’ve done, that this happens to a higher percentage of first time moms.

“I know this is true because so many of you have been open with sharing your experiences.”Your kindness and positivity in sharing about your own miscarriages remind me to be strong.

Image capture from Heart Evangelista Instagram account

Sa kabila ng nakalulungkot na pangyayaring ito nananatili namang positibo si Heart at batid niyang kapiling na ng Maykapal ang kanyang kambal.

It’s not the end, just another chapter. I take comfort knowing that you’re up there with your twin.

I don’t question God about this sad time, I trust in His timing and plan.

I hope you all understand that I’ll be taking some time off but your support and kind words will be felt, even if I’m not able to reply.

“I’m not looking for answers, just peace.”

May napili na ring pangalan si Heart sa kanyang baby.

For what it’s worth, I already had a name for you.My Mira, funnily enough, I already loved your smile. I know you’ll find your way back to me.”

Bumuhos ang pakikiramay para sa aktres at sa asawa nito.

Loading…