Baron Geisler nag-react sa kumakalat na “RIP Baron” post sa social media

Imahe mula sa Facebook account ni Baron Geisler

Nagpahayag ng kanyang reaskyon ang actor na si Baron Geisler sa fake news na kumakalat ngayon sa social media na patay na siya. Aniya, buhay pa siya.

Sa kanyang post sa Facebook noong Lunes, ika-4 ng Hunyo, ipinakita niya ang kanyang larawan habang hawak ang isang dyaryo na nalathala noong araw na iyon bilang patunay na hindi totoo ang kumakalat na “RIP Baron” post sa social media.

Nanawagan siya sa kanyang mga followers na huwag maniwala sa nasabing balita.

“Reading todays paper. Heard that Cavs lost again today!! (GSW 122 – 103 Cavaliers) Woot! Woot! had a good morning workout. I’m very much alive and grateful, So please do not believe the fake news that I’m dead.Ibig sabihin lang niyan mas hahaba pa buhay ko. Much love!!” post ni Baron sa Facebook account niya.

Baron nag-react sa fake news na patay na s’ya (Imahe mula sa FB page ni Baron Geisler)

Bagama’t peke ang kumalat na balita, sinabi ng aktor na may munting katotohanan sa nasabing fake news.

Sa isang tweet, sinabi ng aktor na ang namatay ay ang kanyang “old self.”

“Salamat man. Siguro yung old self ko parltay na. Hehe. May konting truth ang news. Pero mali pa rin ang magkalat ng fake news lalo na kung di kanaisnais. God bless the person who did it,” tweet ni Baron.

Kumakalat na fake news tungkol kay Baron Geisler (Imahe mula sa PEP)

Si Baron ay sinasabing nasa loob ng isang rehabilitation center sa Cebu upang magamot ang kanyang pagkagumon sa alak.

Loading…