Balyena namatay matapos makalunok ng 80 pirasong plastic bags

Imahe mula sa Department of Marine and Coastal Resources ng Thailand

Bigo ang mga rescuers na isalba ang buhay ng isang balyena na natagpuan sa isang canal sa Thailand na konektado sa dagat sa dakong hangganan sa tabi ng Malaysia.

Isa umano ang Thailand sa mga bansa sa buong mundo na pinakamalakas gumamit ng mga plastic bags, na kumikitil sa buhay ng daan-daang marine creatures na naninirahan malapit sa mga popular na baybayin nito kada taon.

Ayon sa isang artikulo ng The Straits Times, isang lalaking pilot whale ang pinakahuling biktima ng mga plastic bags na napupunta sa karagatan. Natagpuan ang maliit na balyena na halos wala na raw buhay. Sumuka pa ito ng limang piraso ng plastic bags habang tinatangka itong iligtas.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Marine and Coastal Resources ng Thailand na isang pangkat ng mga beterinaryo ang sumubok na ma-stabilize ang kalagayan ng balyena. Ginamitan pa nila ito ng salbabida upang lumutang at pinayungan upang hindi mabilad sa araw, ngunit nabigo sila at namatay din iyon noong Biyernes, ika-1 ng Hunyo.

Mga plastic bags na nakuha sa loob ng tiyan ng balyena

Ayon kay Thon Thamrongnawasawat, isang marine biologist at lecturer sa Kasetsart University, dahil umano sa 80 pirasong plastic bag na tumitimbang ng mahigit 8 kilo sa loob ng tiyan ng balyena ay naging imposible na makakain ito ng masustansyang pagkain.

Tiyan ng balyena puno ng plastic bags

Aniya, “If you have 80 plastic bags in your stomach, you die.”

Sinabi pa ni Thon na 300 marine animals, kabilang na ang mga sea turtles, dolphins at pilot whales ang nasasawi kada taon sa katubigan ng Thailand dahil sa pagkakalunok ng mga plastic bags.

Dagdag pa niya, naaawa siya sa mga hayop na wala namang ginagawang mali, pero sila ang nagdurusa sa kapabayaan ng mga tao.

Nagbahagi ang WION via YouTube ng isang ulat:

Loading…