VP Robredo: “Financial literacy ang susi sa kahirapan”

Kicker Daily News

Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo na mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman sa wastong paggastos at pag-iingat ng salapi o financial literacy ang kabataan at mga kababayang nasa ‘laylayan ng lipunan.’

Sa kanyang talumpati sa 50th anniversary ball ng University of the Philippines o UP Junior Finance Association nitong Sabado, May 5, 2018, ipinagdiinan ni Robredo na maaaring makatulong ang sapat na financial literacy o education sa mga mahihirap upang makaahon sa kahirapan.

“Because inclusion, especially for the unbanked, is necessary to sustain our country’s growth path. Now more than ever, when the world is financially, socially, and politically divided, it is imperative that our people are lifted from ignorance and poverty,” ani Robredo.

Dagdag pa ni Robredo, maraming suliranin ang kaakibat ng kahirapan. May mga sandaling ang isang taong masipag sa kanyang trabaho, na maaaring kumikita naman ng sapat, ay nananatiling mahirap dahil sa kawalan ng disiplina at sapat na kaalaman sa wastong paggastos, pag-iimpok, at pag-iinvest gamit ang kita o suweldo.

“And poverty is a multi-faceted problem. There are times when a person stays poor despite working very hard to improve his situation . . . a good financial education provides them a fighting chance in pulling themselves up from poverty. And this is the fight for inclusivity where all of you can make a difference.”

Pinuri ni Robredo ang organisasyon sa pagsusulong ng kanilang adbokasiya para sa financial literacy, lalo na sa kabataan.

“In your advocacy of financial literacy, remember that our country’s greatest need — and perhaps your greatest purpose — will be to help the last, the least, and the lost. I believe providing financial education to those who need it the most is something that will leave a legacy that will outlast all of us,” pahayag ng vice president.

Si Robredo ay nakapagtamo ng economic degree sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Isinusulong niya ang “Angat-Buhay” project para sa mga mahihirap upang masugpo ang kanilang kahirapan.

Loading…