Vice Ganda, muntikan nang iwan ang mundo ng showbiz dahil sa burn-out

Kicker Daily News

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang emotional break down ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang 15th year anniversary concert na This I5 Me sa Las Vegas, USA dahil sa diumano’y nararamdam nitong kahungkagan o “empty feeling” sa kabila ng kanyang katanyagan at pagtatagumpay sa kanyang piniling larangan.

Marami sa mga tagahanga at kasamahan sa industriya ang nakisimpatya kay Sarah. Isa na riyan si Phenomenal and Unkabogable Star Vice Ganda matapos niyang aminin na maging siya ay nakararamdam na rin ng ‘burn out’ at muntikan nang iwan ang showbiz.

Grabe Grabeeeee Grabe Grabeeee!

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

“Last week lang ito, bigla ko na lang naramdaman, ang dami-dami kong pera, box-office lahat ng mga pelikula ko, sikat ako, pero bakit parang ‘di ako masaya. Inisip ko na ngang magpaalam sa management, kung puwede ba ako huwag sumali sa film fest… pero ‘di sila pumayag,” pag-amin ni Vice Ganda kay ABS-CBN News reporter MJ Felipe.

Isinusulong ngayon ni Vice Ganda, lalo na sa kanyang mga kasama sa industriya, ang paghahanap sa purpose o layunin sa buhay upang maiwasan ang mga ganitong pakiramdam.