“Upang tuluyang mawakasan ang ‘endo’, Labor Code dapat nang amyendahan” — SAP Bong Go

Nananawagan si Special Assistant to the President (SAP) Secretary Bong Go sa publiko na suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan nito sa Kongreso na bumalangkas ng bagong batas na magwawakas sa endo.

Nitong Mayo 1, nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Executive Order 51  na naglalayong ipatigil ang endo at kontraktwalisasyon sa bansa.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer,  sinabi ni Go na isang matatag na hakbang ang ginawang ito ng pangulo  na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga manggagawa.

Wika pa ni Go, dapat amyendahan ang Labor Code upang matuldukan ang hindi makatwirang labor practice .

Saad pa nito, suportado rin niya ang paglagda ng pangulo sa EO; gayundin ang hangarin nitong mabago ang batas tungkol sa paggawa.

Sa ganitong paraan umano ay masisiguro ang security of tenure para sa mga manggagawa at masisigurong hindi masasakripisyo ang karapatan ng mga ito sa larangan ng paggawa.

Samantala, tinawag namang insulto ng mga labor groups ang EO na ito ni Duterte.

Ipinagtanggol naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang EO 51. Aniya, ito’y isang paraan upang mabalanse ang interes ng mga manggagawa at employers.