Trillanes nakipag-ayos kay Binay; libel case tuloy pa rin

Nakipag-ayos si Senador Antonio Trillanes IV kay Senator Nancy Binay noong huling ng araw ng session nitong Marso bago ang mahal na araw; ito ay ayon mismo kay Senador Binay.

Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ni Binay na halos isang oras ang pakikipag-usap ni Trillanes sa kanya kung saan ipinaliwanag nito ang mga hugot ng huli sa noo’y Senate investigation sa kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay.

Nag-explain lang siya kung ano ang pinanggalingan niya. In-explain na niya ‘yung sa kudeta sa Oakwood, noong hindi sumipot ang daddy ko,” ani Binay.

Wika ni Binay, nakinig lamang siyang mabuti kay Trillanes at ngayon ay nasa moving on stage na siya.

Dahil dito maiiwasan na ang ilangan o iwasan nila ni Trillanes kapag nagkikita sa Senado.

Saad pa ni Binay, hindi na niya kailangang magpanggap na ‘dedma’ sa tuwing makasasalubong niya si  Trillanes.

Wala naman daw reaksyon si Trillanes nang mabanggit ni Binay ang nangyari sa kanyang ama.

Nilinaw naman ni Trillanes na wala silang personal na alitan ni Binay at hindi rin napag-usapan ang kasong isinampa ng mga Binay laban sa kanya.

Ngunit iginiit ni Senador Binay na tuloy ang libel case isinampa ng kanilang pamilya laban kay Trillanes sa kabila ng kanilang naging pag-uusap.

Panoorin ang ulat na ito ng Abante para sa iba pang detalye:

Source :

You Tube, Abante, RMN

Loading…