Thumbs up! Mga pulis namahagi ng pagkain sa mga maralita sa kalsada

Magandang simula ito para sa paglilinis ng hanay ng pambansang kapulisan.

Namahagi ng pagkain ang mga pulis na sinasabing mula sa Eastern Police District sa mga maralita sa kalsada.

Sa Facebook post ng PNP Good Deeds, ibinahagi nito ang larawan ng mga pulis na nag-ikot sa ilang lugar sa Kamaynilaan upang mamigay ng mga pagkain.

Ito ay may caption na: “Yung pagkain nila na galing sa ADB imbis na kainin nila naisip nila na ipamigay na lang ito sa mas nangangailangan.”

Umani ng papuri ang good deeds na ito ng mga tauhan ng PNP.

“Kapag ganito ang gawain ng PNP Personnel, the PNP Chief will stay longer and proud to you guys. Mabuhay po ang mga Kapulisan, Mabuhay P.N.P.,” komento ng isang netizen.

Ganyan ang totoong Pulis, na hindi nakalimot sa To Serve and Protect. Saludo po kami mga sir sa inyong magagandang gawain,” ayon sa iba pang netizen.

Saludo po kami sa inyo, mga mamang pulis!

Source :

Facebook

Loading…