Taxi drivers, TNVS na namimili ng pasahero nais gawing criminal offense

Solusyon kaya ito para sa mga pasaway na taxi driver?

Pinag-aaralan na ng House Committee on Transportation na gawing parusang kriminal ang pamimili at pagtanggi sa mga pasahero ng mga driver ng Transportation Network Vehicles (TNVs) tulad ng Grab at mga taxi saanmang destinasyon.

Ayon sa ulat ng PhilStar, sinabi ni committee vice chairman Edgar Mary Sarmiento, na kanilang ikokonsidera kung talagang dapat bang patawan ng criminal offense ang isang Grab driver o taxi driver na tumatanggi at namimili ng isasakay na pasahero.

Rest assured that we are going to work on this to protect the riding public. At the end of the day, this will help instill discipline,” sabi ni Sarmiento.

Batid ng kongresista ang maraming suliraning dumarating sa kanilang komite sa kabila ng ilang paghihigpit sa Grab.

Kasalukuyang  umanong  nasa unang pagdinig pa lamang sila sa pagrereview ng TNVs.

Maliban dito pinag-aaralan na rin ng komite ang iba`t ibang modelo at dynamics ng mga TNVs ng ibang mga bansa upang ma-adopt ito sa ating bansa.

Nauna nang sinuspinde ng Grab Philippines ang may 500 nilang partner-drivers dahil sa kanselasyon ng bookings ng mga pasahero.

Matatandaang inihayag ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na hindi  lamang dapat suspensiyon ang ipinataw sa pasaway na Grab drivers bagkus sila’y kasuhan rin.

Source :

PhilStar, Abante, RMN

Loading…