SAP Bong Go ibinigay ang suot na sapatos sa isang biktima ng sunog sa Sta. Cruz Maynila

Ipinagpalit ni Special Assistant to the President ang kanyang sapatos sa tsinelas ng isang biktima ng sunog sa Sta. Cruz Maynila nitong Mayo2.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nagtungo umano ni Go sa nasunog na lugar sa Maynila pagkagaling sa Singapore kung saan kasama nitong bumisita sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Napansin ni Go ang isang lalaki na tila nakatingin sa kanyang sapatos. Tinanong niya ang lalaki kung gusto ba niya ang suot niyang sapatos. Doon na ipinagpalit ni Go ang sapatos na suot sa lalaking biktima ng sunog.

Nasa 200 bahay ang natupok at 500 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na sumiklab sa kanto ng Oroquieta at Doroteo Jose St. sa Sta Cruz, Maynila noong Abril 27.

Umaabot sa P1.5M ang napinsalang ari-arian dahil sa sunog.