Ray Parks Jr. maglalaro sa Mandaluyong El Tigre sa MPBL

Maglalaro si Ray Parks Jr. sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kasunod ng matagumpay na kampeonato ng kanyang koponang  San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, kinumpirma mismo ni incoming head coach Mac Cuan for MPBL expansion team Mandaluyong El Tigre ang naturang balita.

Yes, matagal na ang negotiations pero ngayon lang na-confirm ‘yung 4 na Alab players kaya ngayon lang kami naglabas ng statement,” ayon kay Cuan.

Pinatungkulan ni Cuan sina Parks, Lawrence Domingo, JR Alabanza at Oping Sumalinog.

Nagsimula umano ang negosasyon makaraang masungkit ng Alab ang kampeonato laban sa Mono Vampire sa ABL Finals.

After we won the championship the following day, sinabihan na kami na ako ang magko-coach ng Mandaluyong ang we can bring 5 Alab players and we started talking to them,” ani Cuan.

We’ll bring in the brand of play of Alab. Like in Alab, we expect to work hard and compete for the championship,” dagdag pa nito.

Inaasahan naman ni Cuan na mahigpit nilang makakalaban ang Batangas at Bataan sa susunod na MPBL conference.

Of course, ‘yung Batangas, sila ‘yung defending champions. And Bataan looks formidable, they have a solid lineup,” ani Cuan.

Wika pa ni Cuan, dalawang Alab players  ang maglalaro para sa Bataan.

Sina Pamboy Raymundo and Robbie Celiz nandoon kaya malakas ang lineup nila,” ayon pa kay Cuan.

Loading…