Pulis, namigay ng lugaw at tinapay sa kalsada

Tungkulin ng mga pulis ang magbigay ng proteksyon sa mga mamamayan. Kung kaya’t nakatutuwang isipin na hindi lamang sa kanilang tungkulin nagtatapos ang serbisyong kaya nilang ibigay sa publiko.

Isang kahanga-hangang pulis ang nakuhanan ng larawan habang namamahagi ng lugaw at tinapay sa mga tao sa kalsada.

Sa Facebook post ng PNP Good Deeds, ibinahagi nito ang kabutihang-loob ng isang pulis na hindi naman pinangalanan.

Ito ay may caption na: “Libreng lugaw at tinapay handog ni mamang pulis.”

Hinangaan naman ng mga netizen ang kabutihan ng mamang pulis.

Komento ng isang netizen: “Salute po sa inyo sir! Tiyak na marami pong mabubusog sa inihain niyong pagkain sa kanila! God bless you po sir.”

Pinaniniwalaang sa Quiapo, Maynila naganap ang pamimigay ng mga pagkain.

Magandang huwaran ka sa lahat ng kapulisan, mamang pulis!

Source :

Facebook

Loading…