Pangulong Duterte kay North Korean leader Kim Jong Un: “Naging idol ko na tuloy siya”

Kicker Daily News

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagong “idolo” niya si North Korean leader Kim Jong Un matapos itong makipagkasundo kay South Korean President Moon Jae-In upang wakasan na ang halos 65 taong hidwaan sa pagitan ng dalawang bansang bahagi ng Korean peninsula noong Biyernes, Abril 27, 2018.

Kadarating lamang ni Pangulong Duterte mula sa Singapore nitong Linggo, Abril 29, 2018 matapos dumalo sa 32nd ASEAN leaders’ summit.

Send off of President Duterte to Singapore #prrd #duterte

A post shared by Jose Antonio Lopez (@joseantoniolopez89) on

“Naging idol ko tuloy siya, si Kim Jong-un. All the time he was pictured to be the bad boy. But with one master stroke he is now the hero of everybody,” ani Duterte. “I hope he remains to be that way, because no one really is after him. I think to me, the man of the hour would be Kim Jong-un.”

Nagkasundo sina KIm Jong Un at Moon Jae-in na tapusin na ang hidwaan na nagsimula noong 1950 sa dalawang bansa at gawing “nuclear-free” ang Korean peninsula.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte: “Some day if I get to meet him (North Korean leader Kim Jong Un), I’d like to congratulate him. Sabihin ko sa kanya, ‘Bilib ako sayo, marunong ka mag-timing.’ Heroism is sometimes left to chance, otherwise it’s purposely timed. Ituring na lang niya akong isang kaibigan.”

Maging ang iba pang mga pinuno ng iba’t ibang bansa, partikular ang mga miyembro ng United Nations ay nagalak sa makasaysayang pangyayaring ito.

Loading…