Narco list na inilabas ng PDEA maaaring gawing gabay sa May 14 Barangay election

Ang paglalabas ng narco list ay upang maging gabay sa pagpili ng mga bagong opisyal ng barangay  sa darating na halalan sa May 14; ito ay ayon sa  Malacañang.

Nitong Abril 30 ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ilabas na ang listahan ng mga barangay officials na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang botante na ang magpapasya kung iboboto pa rin ang mga kandidatong sangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Giit ni Roque,  wala namang nilalabag na batas ang PDEA sa paglalabas ng narco list.

Sa listahang inilabas  ng PDEA, aabot sa 207 barangay officials ang sinasabing protektor ng ipinagbabawal na gamot sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar.

Saad pa ni Roque, makabubuting mabigyan ng pagkakataon na magsilbi sa mga barangay ang mga kandidatong walang kinasasangkutang iligal na gawain.

Samantala, nilinaw ni Comelec Spokesman James Jimenez na walang mababasura na certificate of candidacy (COC) dahil sa inilabas na narco list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Narito ang listahan na inilabas ng PDEA na ibinahagi ni Angel Movido:

Loading…