Mga matataas na opisyal ng DOJ pinagre-resign ni Justice Sec. Guevarra

Inatasan ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra ang lahat ng mga department undersecretaries at assistant secretaries na isumite ang kanilang unqualified courtesy resignations kay President Rodrigo Duterte.

Sa ulat ng Inquirer, nakasaad umano sa memorandum mula kay Guevarra na ang mga nasabing pagbibitiw ay kinakailangan upang malaya niyang magampanan ang mandato sa ibinigay sa kanya ng Pangulo.

“All incumbent Undersecretaries and Assistant Secretaries of this Department are hereby directed to tender their unqualified resignation to the President, through the undersigned, not later than April 30, 2018, except career officials as defined by pertinent civil service laws, rules and regulations,” saad ng memorandum ni Sec. Guevarra na may petsang Abril 24,2018.

Ayon kay Guevarra, si Pangulong Duterte mismo ang nagsuhestiyon hinggil sa resignation ng mga undersecretaries.

Dagdag pa ng kalihim, agad namang nag-comply ang mga opisyal at ang ilan  pa nga ay boluntaryong nagbitiw bago pa man ilabas ang memorandum.

Source :

Inquirer, Rappler

Loading…