Mga likhang-sining na yari sa pako at sinulid, gawa ng mga mag-aaral sa Laguna

Patok sa mga artist ang likhang-sining ng mga mag-aaral mula sa Calamba City,  Laguna na yari sa pako at makukulay na sinulid.

Kung titingnan sa malayo, aakalaing ang mga pinta ay gawa sa makukulay na pintura, subalit mamamangha ka dahil mga pako at sinulid ang ginamit na mga materyales upang mabuo ito.

Ayon sa panayam ng night newscast na Bandila sa ABS-CBN, ang nail and thread art ay likha ng mga mag-aaral ng Multimedia arts sa Calamba City, Laguna. Karaniwang subject nila ang mga sikat na Kapamilya stars tulad nina Anne Curtis, Judy Ann Santos,  Liza Soberano, at James Reid.

Image capture mula sa Bandila

Lumikha rin sila ng portrait ng ilang mga bayani na naisapelikula ang talambuhay gaya ni Heneral Luna. Nariyan din ang portrait ni Da King Fernando Poe Jr., at ilan pang mga international stars.

Ayon sa multimedia arts professor na si Jeric Concepcion, pinagsamang digital at traditional way ang ginawa nila upang makalikha ng isang napakagandang artwork.

Ang mga nasabing artwork ay bahagi ng academic requirements ng mga mag-aaral para sa kanilang kurso.

 

Loading…