Mayo 14 Barangay at SK election idineklara nang special non-working holiday

Idineklara nang special non-working holiday ang Mayo 14 sa buong bansa.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, nitong Mayo 2 ay inilabas ni Duterte ang Proclamation 479 na nagdedeklara ng special non-working day sa Mayo 14 .

Layunin ng proklamasyon na mabigyan ang mga botante ng pagkakataon na bumoto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Alinsunod sa Department and Labor (DOLE), kung hindi pumasok ang isang empleyado sa idineklarang special non-working holiday ay iiral ang  ‘no work no pay’ policy maliban na lamang kung may ‘favorable company policy’ o collective bargaining agreement (CBA) kaugnay sa kompensasyon sa araw na idineklara ang  special non-working holiday.

May karagdagang 30% naman ng arawang sahod ng empleyado sa unang 8 oras ng pagtatrabaho kung ito’y pumasok sa naturang araw.

Panoorin ang ulat na ito ng GMA para sa iba pang detalye:

Loading…