Marco, aminadong kinabahan nang harapin ang ama ni Juliana na si Richard

Aminado ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo na kinabahan siya noong humarap siya sa ama ng espesyal sa kanya ngayon na si Juliana Gomez.

Ayon sa PEP, ibinahagi ni Marco ang dahilan kung bakit nangamba siya noong haharap sa mga magulang na sina Richard Gomez at Lucy Torres.

“Siyempre kinakabahan, not because he’s Richard Gomez. Kinakabahan ako ‘cause he’s still her parent, they are still her dad and mom. Siyempre respeto ‘yun sa Filipino culture to still ask if I can go,” aniya.

And find the place where every single thing you see tells you to stay.

A post shared by Marco Gallo (@marcogalloc) on

Sa ngayon ay hindi pa raw nanliligaw si Marco kay Juliana.

“Sa ligaw, sasabihin natin na hindi pa. Pero halata naman na special friend siya para sa akin,” wika niya.