Manekin na walang ulo pero naka-uniform, pinaaalis sa loob ng bookstore

Magpapasukan na naman at abala na ang mga magulang, gayundin ang mga estudyante, sa pagbili ng kanilang mga bagong school uniforms at school supplies.

Upang makamura ang iba’y dumarayo pa sa Divisoria habang ang iba na ayaw nang makipagsiksikan ay nasa isang kilalang bookstore na lamang.

Kakaiba ang naging karanasan ng isang netizen sa loob ng popular na bookstore.

Naging katatawanan sa social media ang Facebook post ni Christian Jose kung saan may kuha ito ng larawan ng manekin na walang ulo na nakasuot ng school uniform at naka-bag pa ito.

Ito ay may caption na: “Dear national bookstore, muntik na akong atakihin sa puso dahil dito. Tanggalin niyo to please!

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=1905471366171172&set=a.322619847789673.94329.100001249827412&type=3&theater

Habang nagpapahayag ng kanyang naging takot ang netizen sa kanyang caption, siya namang pagpapahayag ng kaaliwan ng mga netizens sa naturang larawan.

Naging viral ang nakaaaliw na post. As of this posting ito ay may halos 11k shares na at 18k reactions.

Source :

Facebook

Loading…