Malacañang: Igalang natin ang naging desisyon ng Korte Suprema kay Sereno

(Manila, Philippines) Nanawagan ang Malacañang sa publiko na igalang ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa pagpabor nito sa “quo warranto petition” na dahilan ng pagkaalis ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa puwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque: “The High Court has spoken. Let us respect its decision granting the quo warranto petition as the proper remedy and the quo warranto petition ruling against Chief Justice Maria Lourdes Sereno.”

Dagdag ni Roque: “The Supreme Court, a co-equal branch of government, is duty-bound to uphold the Constitution. The court ruling is likewise an assertion of the supremacy of the fundamental law of the land.”

Iginiit din ng presidential spokesman na ang Kataas-taasang Hukuman ang “final arbiter of the law”, kung kaya’t ang desisyon nito ay dapat lamang igalang, ayon sa ulat ng ANC.

Naniniwala rin ang Palasyo na tama lamang umano ang naging pasya ng Korte kay Sereno.

Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Salvador Panelo, patunay lamang na iligal ang pagkaluklok ni Sereno bilang punong mahistrado, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Wika pa ni Panelo, hindi na uusad ang impeachment proceedings sa dating punong mahistrado dahil napatalsik na ito.

Nanindigan din siya na inisyatibo ni Solicitor General Jose Calida ang “quo warranto petition” at wala umanong partisipasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa inisyal na ulat ng PhilStar Global, nagresulta ng 8-6 votes ang en banc session laban kay Sereno nitong Mayo 11, 2018.

Loading…