Jake Zyrus nauunawaan ang pinagdaanang pagod ni Sarah G, “Napakahirap talaga”

  • Inamin ni Jake Zyrus na naiintindihan niya ang pinagdaanan ni Sarah Geronimo
  • Dumaan rin umano siya sa matinding pressure at pagod
  • Ang maibabahagi lamang umano niya kay Sarah ay pang-unawa

Nakisimpatiya si Jake Zyrus sa pinagdaanang ’emotional breakdown’ ni Sarah Geronimo.

Hindi umano madali ang kanilang mga hinaharap na pressures at pagod. Aniya pa sa Pep, “I’ve been there, ‘yung talagang emotionally and physically pagod ka talaga, mahirap talaga. Hindi pa naman po ako naka-experience na mag-walkout.”

Ngunit nilinaw niya na hindi rin malayo na maggawa niya ito. Dagdag pa niya, “Pero ako, sa totoo lang, for example kung talagang alam kong physically and emotionally hindi ko kaya, knowing myself, maaari siyang mangyari. Kumbaga, you know to yourself na puno na, exhausted ka na.”

Hiling pa ni Jake na sana maintindihan rin ng mga fans na kung minsan ay kailangan nilang mag-cancel ng shows. Ang kanyang maibabahagi raw sa kapwa singer na si Sarah G ay pang-unawa. Ito ay matapos kumalat ang video ni Sarah na naging emosyonal habang kumakanta sa kanyang Las Vegas concert.

Source :

Pep, ABS-CBN

Loading…