Grupo ng mga kalalakihan nagdala ng 1 kalderong kanin sa loob ng sikat na fast food chain

Beeda ang saya!

Nagpasok ng isang kaldero ng kanin ang isang grupo ng mga kalalakihan sa loob mismo ng kilalang fastfood chain na Jollibee.

Sa Facebook post ng Kwelang Pinoy, ibinahagi nito ang larawan ng grupong ito ng mga kalalakihan na may dalang isang kaldero ng kanin.

Ito ay may caption na: “OMG look ohh sa Jollibee may nag dala ng kaldero pwede pala yun ang lupit ng tribu na eto. Sobrang itim ng kaldero na dala. Totoo nga yung sabi sa JOLLIBEE BIDA ANG SAYA hahahahaha!”

Kapansin-pansin sa larawan na proud pang nagpakuha ng larawan ang mga kalalakihang ito sa loob ng fastfood chain.

Aba, ito pa’ng matindi! Maliban sa isang kaldero ng kanin ay may mga bote pa ng softdrinks na hindi mabibili sa naturang fasfood chain.

Hindi naman tinukoy kung anong okasyon ang ipinagdiriwang ng naturang grupo o kung saang branch ito.

Kinaaliwan ng mga netizens ang mga larawan.

Source :

Facebook

Loading…