‘Gagamboxing’ na palaro sa piyesta sa Digos, Davao Del Sur kinaaliwan ng mga residente

Sa tuwing sumasapit ang araw ng kapistahan ay nakasasaksi tayo ng iba’t ibang palaro na bahagi na ng ating kultura.

Ang mga larong ito’y nagpapatingkad sa araw ng piyesta at nagpapasaya sa mga residente at mga dumadayo sa lugar.

Natatangi naman ang palaro sa piyesta sa Digos, Davao Del Sur kung saan tinawag nila itong ‘gagamboxing’.

Naging katatawanan ito sa mga residente doon dahil ang mga kalahok ay tila mga gagamba na tumatawid sa kawayan at doon maglalaban.

Tulad ng isang boxing match ang mga kalahok ay may gloves at simple lang naman ang laro; kapag nahulog sa kawayan ng tatlong beses ay awtomatikong talo.

Kaysarap talagang panoorin ang mga palaro ng lahi!

Panoorin ang ulat na ito ng 24 Oras para sa iba pang detalye:

https://www.youtube.com/watch?time_continue=42&v=XSR-zmipXNE

Source :

24 Oras, GMA

Loading…