Floyd Mayweather Jr. bibisita sa Pilipinas

Kicker Daily News

Matapos ang mga biyahe niya sa ilang bansa sa Asya, susunod na bibisitahin ng retiradong American boxer na si Floyd Mayweather, Jr. ang Pilipinas.

Ilang larawan ang ibinahagi ni Mayweather, Jr. sa kanyang Instagram account kung saan ipinakita na nasa Wat Pho Buddhist Temple sa Bangkok, Thailand siya. Sa caption, sinabi niya na susunod niyang pupuntahan ang Pilipinas.

“Stopped by the Wat Pho Buddhist Temple in Bangkok, Thailand. Next stop, The Philippines,” ani Mayweather, Jr.

Sa isang video naman na ibinahagi ni Sam Versoza, CEO ng Frontrow International, nagbigay ng mensahe si Floyd sa kanyang mga fans sa Pilipinas. Aniya, patungo na raw siya sa bansa upang yakapin at ipakita ang kanyang pagmamahal sa mga Pilipino niyang tagahanga.

Floyd Money Mayweather is coming to Manila!!! ??? R U ready #FRONTROW ??? #TMT #TBE #FrontrowLife baby!!! ? @frontrowphoff @rsfrancisco888

A post shared by sam verzosa (@samverzosa) on

“Hey Manila, Philippines, I’m on my way, Me and my team, The Money Team as well as myself, Floyd “Money” Mayweather. I’m on my way to the Philippines to embrace my fans. I wanna say thank you to everybody in the Philippines for all your support throughout the years,” anang retiradong boksingero.

Sa isa pang video ay ipinakilala ni Mayweather Jr. ang kanyang assistant na si Kitchie, isang Pinay. Kasama rin niya sa nasabing video ang CEO ng Vans Philippines na si Wendell Cunanan. Tinawag niya ang mga ito na kanyang “Filipino Team.”

Loading…