Duterte SALN: Net worth tumaas ng mahigit  P1M noong 2017

Mahigit sa P1 million ang itinaas ng net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa kanyang pinakahuling Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong 2017.

Ayon sa ulat ng Brigada, sa SALN na inilabas ng Ombudsman, lumalabas na ang net worth ni Duterte ay nasa P28.54 million noong December 31, 2017.  Tumaas ng P1,111,458.63 mula sa P27.82 million noong Disyembre 2016.

Tumaas rin ang assets nito mula sa P28.428 million noong 2016 sa P29.34 million noong 2017 makaraang madagdagan ang kanyang cash on hand mula sa P18,453,862.44 noong 2016 patungo sa P19,365,321.07 noong 2017.

Nakasaad rin sa SALN na ang personal properties ni Duterte ay kinabibilangan ng Volks Sedan at Toyota Rav 4 na nabili pa noong 1978 at 1996.

Ang naturang mga sasakyan ay nagkakahalaga ng P840,000 habang ang household appliances at furniture ay nagkakahalaga ng P350,000.

Tanging  ang liability lamang ng Punong ehekutibo ay ang kanyang personal loan na P1 million mula sa Davao businessman na si Samuel Uy.

Idineklara rin ni Duterte sa kanyang SALN ang mga kaanak hanggang fourth degree of consanguinity o affinity na may posisyon sa gobyerno. Ito’y sina:

  • Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (anak)
  • Davao City Vice Mayor Paolo Duterte (anak),
  • Catalunan Grande, Davao City captain January Duterte (manugang),
  • City Mayor’s Office private secretary Benjamin Duterte (kapatid),
  • Davao City Administrative Officer Wilfrido Villarica (pamangkin), at
  • CENRO Davao City auxiliary worker Jean Villarica (misis ni Wilfrido).
Source :

Brigada, GMA, ABS CBN

Loading…