Dream come true! Fil-Am model Kelsey Merritt bahagi na ng kilalang iconic lingerie brand

Dream come true para kay Fil-Am model Kelsey Merritt ang makapagtrabaho sa iconic lingerie brand na Victoria’s Secret.

Noong Setyembre 2017 lamang  ay sinabi niya sa kanyang social media account na pangarap niya ang maging model sa Victoria’s Secret.

At natupad na nga!

Sa Twitter post ni Merritt, excited niyang ibinalita na siya’y magiging bahagi na ng Victoria’s Secret simula sa susunod na linggo.

https://twitter.com/kelsmerritt/status/995050864376209409?tfw_site=ABSCBNNews&ref_src=twsrc%5Etfw&ref_url=http%3A%2F%2Fnews.abs-cbn.com%2Flife%2F05%2F12%2F18%2Ffil-am-model-kelsey-merritt-to-work-with-victorias-secret

Wala pang detalye sa proyektong ito ni Merritt sa Victoria’s Secret.

Si Merritt ay nadiskubre ng isang model scout sa pamamagitan ng Instagram. Simula noo’y sunod-sunod na ang kanyang local at international campaigns sa loob at labas ng bansa, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Si Merritt ay kasalukuyang kinatawan ng New York-based agency ng Women Management Milano.

https://www.instagram.com/p/BgN8Bwfn84H/?taken-by=kelseymerritt

Kilalanin pa si Merritt sa ulat na ito ng Preview.

Loading…