DILG nais ipa-lifestyle check ang mga barangay officials

Nais ngayon ng Department of the Interior and Local Government na magsagawa ng lifestyle check sa mga barangay officials.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Martin Diño, undersecretary for barangay affairs, na ang DILG ay may listahan ng mga barangay na bigong makapagsumite ng kanilang mga inventories ng money disbursements. Aniya, maghahain umano ng kaukulang kaso ang DILG laban sa mga opisyal na ito.

Ngayon, makikipag-tie up ako sa BIR (Bureau of Internal Revenue) para ngayon meron kaming memorandum of agreement para mapa-lifestyle check namin lahat ng barangay officials na talagang in a matter of years naging mayaman,” ayon kay Diño.

Alam naman sa barangay kung may negosyo ‘yan. Walang taong nakakaalam kung hindi ang kanyang constituents,” saad pa nito.

Wika pa ni Diño, na dati ring barangay captain, na dapat muling buhayin ng Commission on Audit ang pagiging istrikto sa mga panuntunan sa paglalabas ng pera sa mga opisyal ng barangay.

Ayon pa kay Diño, noong siya’y kapitan mahigpti umano ang fiscal control at accounting departments, gayundin ang barangay council resolution ang kinakailangan bago ma-disburse ang pera sa kanilang depository bank.

Now, p’wede kang ang kapitan at treasurer ay gagawa lang ng certification, mailalabas ang milyon-milyong pera ng barangay easily…Ngayon, wala pang project, nasa bulsa na ni Kapitan at Treasurer ‘yung pera,” ani Diño.

Nagre-request kami sa COA na ibalik nila sa dati dahil prone to corruption ito. Marami nang nagka-kaso na ang treasurer ay tinakbo ang pera,” dagdag pa nito.

Panoorin ang ulat na ito ng ANC para sa iba pang detalye:

Source :

ANC, ABS CBN