Chito, ibinahagi ang inspirasyon niya sa kanta tungkol sa ‘friendzone’

Ibinahagi ng bokalista ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda ang naging inspirasyon niya sa kanyang kanta na tungkol sa “friendzone”.

Sa Instagram, sinabi ni Miranda na ang dahilan kaya niya nagawa ang kanta ay ang isang post niya noon tungkol sa asawang si Neri Naig.

“‘Eto ‘yung pinost ko dati na naging inspiration ko para masulat ‘yung kanta…. Nagustuhan ko kasi ‘yung sinabi ko sa caption kaya naisip ko gawan ng kanta haha!” pagbabahagi niya.

Sa nasabing post, ibinahagi niya kung paano siya sumubok noon na manligaw kay Naig kahit na maaaring mawala ang pagkakaibigan nila kapag umamin siya na iniibig niya ito.

“Friends kami pero ayoko ng ‘friends’ lang. ‘Di ako papayag na ‘tropa’ lang kami,” aniya.

“Hindi ako manliligaw kasi baka ‘masira’ ang friendship namin? Eh paano kung ligawan s’ya ng iba tapos do’n s’ya mapunta? ‘Di ako papayag,” dagdag pa niya.

Kaya naman nagtagumpay siya na maging kasintahan at napangasawa pa ang aktres.

 

Narito ang kanta: