Campaign posters ng mga aspiring BAE-rangay officials, kinakiligan ng mga netizens

Sa panahon ng halalan, kaliwa’t kanan ang iba’t ibang pakulo at gimik ng mga kandidato makuha lamang ang boto ng mga botante upang maluklok sila sa mga inaasam nilang katungkulan. Kinakikiligan ngayon sa social media ang mga pinagsama-samang campaign posters ng mga guwapong kandidato para sa Barangay at Sanggunian ng Kabataan o SK Election. Ilan sa kanila ang maaaring maging BAE-rangay captain o kagawad.

Sino-sino nga ba ang mga aspiring BAE-rangay officials na ito?

Nariyan sina Miggy Tolentino na naging bahagi ng That’s my Bae ng Eat Bulaga at si Vince Aldrin Paran na tumatakbong SK Kagawad.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

Sumunod naman sina Fahad Kiram Jaurigue at Jor-el De Guzman na GGSS o Go na Go sa Serbisyo.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

Nariyan din sina Mark Constantino at Miguel Mendez na parehong tumatakbo bilang SK Chairman.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

SK Chairman din ang inaasam na katungkulan nina John Lloyd Briones at Prince Aeron Roldan.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

Credentials naman ang panlaban nina Raymond Fortunado at Gab Bayan dahil sa karanasan at mga natamong achievements.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

“Serbisyong animal” naman ang ipinapangako ni Doods Antipuesto, Jr. Sasabak din sa politika ang talent actor na si Julian Trono.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

Ang huling hotties candidates sa listahan ay sina Joseph Ventinilla, Jam Morales, at Jacky Tiu.

Mga larawan mula sa Facebook page na Random Hottie

Sa kabila nito, mahigpit naman ang paalala ng Commission on Election o COMELEC na maging matalino sa pagboto ng mga karapat-dapat na magiging pinuno ng barangay. Ang kanilang responsibilidad ay mabigat kaya naman huwag ibatay sa panlabas na anyo ang dahilan ng pagboto sa isang kandidato; bagkus, saliksikin at pag-aralan ang kanilang credentials at plataporma para sa ikauunlad ng barangay.

Loading…