Bitoy may tugon sa netizen na nagsabi na ‘baduy’ at ‘pangmatanda’ na ang kanyang  joke

Hindi magtatagal sa industriya ang mga taong walang talent.  – Bitoy

May tugon ang Kapuso star na si Michael V o Bitoy sa isang netizen na nagkomento sa isa niyang post na “baduy” at “pangmatanda” na ang kanyang joke.

Constructive criticism, yung jokes mo patok na lang sa mga matatanda at baduy na tao,” komento ng netizen sa post ni Bitoy na may patungkol sa joke ng pangalan ng chocolate.

Ayon sa ulat ng GMA, seryoso na may halong biro naman ang tugon dito ni Bitoy, “Aww… thanks! I saw your profile, hindi ka matanda. I thank God sa pagbisita ng mga taong kagaya mo… ‘yung ipinagmamalaki ang pagiging BADUY nila. Expect more jokes for people like you. Kasama ka sa nagpapayaman sa ‘kin.

Sinuportahan naman si Bitoy ng iba pang niyang followers.

Tila hinintay pa ni Bitoy ang tugon ng kritiko niya ngunit nang hindi na ito sumagot; aniya,” Antagal mo sumagot? Natawa ka ‘no?”

 “Trust me, hindi tatagal ng more than 20 years sa industriya yung mga walang talent. You’re welcome to take a shot if you want to prove me wrong. I’ll see you in 20!” ani Bitoy.

Si Bitoy ay kasalukuyang host ng “Lip Sync Battle Philippines” at bahagi rin sa “Bubble Gang” at “Pepito Manoloto.”

“Whittaker’s”!!! #BitoyStory Courtesy of @iyavillania ?

A post shared by Michael V. ?? (@michaelbitoy) on