Bea Binene, itinangging may ‘secret relationship’ sila ni Alden Richards

  • Itinanggi ni Bea Binene na may relasyon sila ni Alden Richards
  • Hindi umano kay Alden galing ang kanyang mga natanggap na red roses
  • Pinayuhan niya ang mga fans na itigil na ang pamimintas sa kanya

Mariing itinanggi ni Bea Binene na may itinatago silang relasyon ni Alden Richards. Ito ay matapos lumabas ang mga kuwento na ang mga natanggap niyang red roses ay mula diumano sa aktor.

Nilinaw ni Bea sa kanyang Instagram account na sila ni Alden ay magkaibigan lamang. Aniya, “Sana maintindihan niyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain e may something na.”

“Wala pong kinalaman si Alden sa mga bulaklak,” dagdag niya.

Nakiusap siya sa mga fans ni Alden na huwag nang bigyan ng kulay ang kanilang pagkakaibigan. “‘Wag niyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts. I actually understand that you are possessive with your idols but please wag niyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga. And humahanaga ako sa suporta niyo,” sabi ni Bea.

Sa huli ay pinayuhan na lamang niya ang mga fans na huwag nang mamintas pa at pagtuonan na lang ng pansin ang kanilang mga buhay at pamilya.

https://www.instagram.com/p/Bii-YFCFcps/

Source :

Instagram, GMA

Loading…