Baboy na ‘nagjo-jogging’ sa kalsada, kinaaliwan sa social media

Baboy, nagjo-jogging? Posible kaya?

Ang pagjo-jogging ay isang paraan upang makapagbawas ng timbang at makapagpapawis ang mga taong may sobrang taba sa katawan. Isa rin ito sa mga mainam na paraan upang mapangalagaan ang ating kalusugan.

Kaya lang masakit minsan na inuugnay sa mga taong matataba ang baboy sa aspetong pisikal.

Ngunit maaari kaya na ang isang baboy ay magpapayat?

Naging katatawanan sa social media ang sinasabing  pagjo-jogging ng isang baboy sa gitna ng kalsada.

Sa Facebook post ng Lanzona Basketball Club, ibinahagi nito ang video ng naturang baboy na tila nakakawala sa koral.

Sa maikling video na ito ay mapanonood ang pagtakbo ng baboy na nagmistulang nagjo-jogging. Mapapansin din na naka-counter flow ang baboy sa kalsada kaya mas umagaw ng atensiyon ng mga motorista.

Ito ay may caption na: “Jogging siya masyado na daw siyang mataba.”

Jogging siya masyado na daw siyang mataba.?. Juanito Acedillo Chong Jr.

Posted by Lanzona Basketball Club on Thursday, May 3, 2018

Mabuti na lang at walang nakabundol sa baboy.

Sa mga komento sa naturang video ay mapapansin na nag-tag ang ilang mga netizens ng kanilang mga kaibigan. Siguro naman, naibalik na sa may-ari ano?

Source :

Facebook