Aquino, inihalintulad sa ‘maasim na mangga’ ang pagpapatalsik kay Sereno

“Marahil marami sa inyo, tulad ko, ang paboritong prutas ay mangga. Kung nais natin ang matamis na mangga, hihintayin nating mahinog ito. Alam din natin, ‘pag pinilit mahinog, maasim ang kalalabasan nito.”

Inihalintulad ni dating pangulo Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa isang “maasim na mangga” ang pagkakatanggal kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Ani Aquino: “Sa aking pananaw, kung ano man ang magiging paliwanag ng mayorya, ang makikita lang natin ay isang pilit na pilit na desisyon.”

Wika niya: “Ang tanong ngayon, gaano kaya kaasim ang desisyong pilit nilang isusubo sa atin?”

Katwiran pa ng dating pangulo: “Kung ang batas ay malinaw na, ‘di na kailangan ipaliwanag pa. Klaro ang nasa Saligang Batas [na] ang impeachable officer, sa pamamagitan lang ng impeachment maaalis sa puwesto.”

Si Aquino ang nagtalaga kay Sereno bilang punong hukom noong 2012.

Walong mahistrado laban sa anim ang bumoto upang mapawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sereno nitong Biyernes.

Ito rin ang unang pagkakataon na inalis ang isang punong hukom ng mga kasamahan niya sa Korte Suprema, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa News5:

https://www.youtube.com/watch?v=Zzah0CFGykU

Source :

ABS-CBN, GMA, YouTube

Loading…