Agot Isidro sa mga Senador sa isyu ni Sereno: “Magtrabaho kasi, ‘wag lang papogi”

Nagpahayag ng saloobin ang singer-actress at kilalang kritiko ng administrasyon na si Agot Isidro hinggil sa pagkakaalis sa puwesto ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Matatandaang sa botong 8-6 sa en banc session nitong Mayo 11 ay napawalang-bisa ang appointment ni Sereno bilang Punong Mahistrado, ayon sa ulat ng Inquirer. Kaya naman hindi naiwasan ni Agot na magkomento sa naturang isyu. Tinuligsa ng singer ang mga senador  hinggil sa isyu ni Sereno dahil sa kawalan nito ng aksiyon.

https://twitter.com/agot_isidro/status/994859082069827584

Matatandaang tinawag ni Agot na “psychopath” si Pangulong Duterte.

Kahit pa nagiging kontrobersyal ang mga opinyon  ni Agot, sinabi nito na hindi siya matitinag at patuloy pa rin siyang maglalabas ng kanyang mga saloobin.

Loading…