1.5 milyong kasapi ng Iglesia ni Cristo, lumahok sa “World Wide Walk to Fight Poverty”

Tinatayang nasa 1.5 milyong kasapi ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nakilahok sa martsa laban sa kahirapan o World Wide Walk to Fight Poverty sa Maynila nitong Linggo, Mayo 6, 2018 ayon sa ulat ng pulisya.

Nagmartsa ang pangkat sa Roxas Boulevard habang nakasuot ng puti at iwinawagayway ang kanilang flaglets para sa ‘walk against poverty’ na isinagawa para makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa Africa.

Nakilahok sa gawain ang mga kasapi ng INC hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang panig ng daigdig nang sabay-sabay, kabilang ang mga bata at matanda.

Ito ang ikalawang pagtatangka ng INC na higitan ang una nilang pagmartsa noong 2014, na  kinilala at itinala ng  The Guinness Book of World Record bilang “largest charity walk across multiple venues” sa loob lamang ng isang araw, na dinaluhan ng 519,221 mga indibidwal sa 129 lugar sa 16 na bansa. Ang napagwagihang premyo ay nagsilbing donasyon para sa mga biktima ng Super Typhoon “Yolanda.”

Ibinahagi ni netizen Boy Gonzales sa kanyang Facebook account ang video ng aktibidad:

Narito naman ang isang aerial shot mula sa Twitter post ng Kapamilya network.

Larawan mula sa Twitter account ng ABS-CBN News