[Video] Duterte: “Nasasaktan akong pumatay ng Pilipino… I do not allow EJK, we do not do that, that’s a dirty job”

Sa isang talumpating ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tarlac City, muli niyang inulit ang mariin niyang pagtanggi sa mga alegasyon na ipinag-uutos umano niya sa mga pulis at sundalo ang summary execution o extrajudicial killing.

“Ayaw kong pumatay. Nasasaktan akong pumatay ng Pilipino. Ayaw ko… pareho tayo,” ani Pangulong Duterte.

Ayon  pa sa Pangulo, hindi niya pinapayagan ang extrajudicial killing. Aniya, isang maruming trabaho iyon.

“At saka para kang hindi lalaki. Talian mo, balutin mo. It’s a form of torture binabalot ng plastic. Hindi trabaho ng pulis ‘yan pati sundalo,” dagdag pa niya.

Sa ulat ng Rappler, inulit ng Pangulo ang utos sa mga kapulisan na hangga’t maaari ay arestuhin lamang ang mga suspek.

“Hanapin mo sila, arestuhin mo kung kaya pa, pagka-lumaban at may armas … that would place the life of the police or military man, pati siya madadamay sa kamatayan, unahan na ninyo. That’s my order,” sabi ng Pangulo.

Narito ang video ng pahayag ng Pangulo:

 

 

Loading…