Singer Richard Marx pinuri matapos tumulong para pigilan ang nagwawalang pasahero sa isang Korean flight

Umaani ng papuri ngayon ang sikat at batikang singer na si Richard Marx matapos nitong tumulong sa crew ng Korean Air para mapigilan ang pagwawala ng isang bayolenteng pasahero na naging banta sa nasabing biyahe noong Lunes, ika-20 ng Disyembre.

Ayon sa Business Insider, si Marx ay sakay ng isang eroplano mula Vietnam patungong Seoul, South Korea kasama ang kaniyang asawa na dating MTV VJ na si Daisy Fuentes nang magwala ang isang pasaherong Koreano sa hindi pa mawaring dahilan.

Nahirapan umano ang crew kaya napilitang tumayo si Marx at tulungan ang mga ito na masawata ang pagwawala ng bayolenteng pasahero.

Nakunan naman ng mga larawan ni Marx at ni Fuentes ang pangyayari. Ibinahagi nila ang nasabing larawan sa kani-kanilang mga social media account.

Image from Richard Marx Twitter post

“On our flight from Hanoi to Seoul a guy sitting in the next row from us got crazy & started attacking the flight attendants & passengers. When he started pushing the female staff and pulling them by the hair @therichardmarx was the first to help subdue him,” kuwento ni Fuentes sa kaniyang Instagram post.

Inabot umano ng halos apat na oras ang insidente bago matagumpay na napayapa ng mga crew ang sitwasyon. Mistulang kulang umano sa ‘training’ ang crew ng nasabing eroplano para sa mga katulad na sitwasyon, ayon pa kay Fuentes.

“I feel horrible for the abuse the staff had to endure but no one was prepared for this. They never fully got control of him. They didn’t know how to use the taser & they didn’t know how to secure the rope around him,” patuloy pa ni Fuentes.

Ayon naman sa mga tweet ni Marx na kasama ng mga larawang kaniyang ibinahagi, mukha ngang kulang sa kasanayan ang mga crew ng Korean Air flight 480, base sa kaniyang nasaksihan. (Please turn to next page to read more)