Rowan Atkinson mapapanood bilang Mr. Bean sa isang Chinese comedy film

Sa kauna-unahang pagkakataon, mapapanood si Rowan Atkinson, na sikat sa buong mundo bilang si Mr. Bean mula sa British sitcom na may kaparehong pamagat, sa isang pelikulang Intsik na may temang katatawanan.

Gaganap bilang Mr. Bean si Atkinson sa isinapelikulang TV reality show na popular sa China. Sa ika-28 ng Enero sa susunod na taon ipalalabas sa mainland China ang pelikula na pinamagatang “Top Funny Comedian The Movie.”

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang istorya ng pelikula ay umiikot sa mga pakikipagsapalaran ng mga lead characters na pinangungunahan ng dalawang Intsik na komedyante na sina Guo Degang at Yue Yunpeng.

Kuwento ni Guo, noong nagkaroon ng press conference para sa promotion ng pelikula noong ika-8 ng Disyembre, nakipag-usap raw siya kay Rowan Atkinson sa shooting ng pelikula sa pamamagitan lang ng body language dahil hindi siya marunong magsalita ng Ingles.

“Sa ekspresyon lang ng mukha at mga kilos ay tila nagkaintindihan na kami,” ani Guo.

Si Atkinson ay hindi umano nakarating sa nasabing press conference, pero nagpadala siya ng mensahe sa salitang Mandarin.

Ang Chiny to Lubie Facebook page ay nagbahagi ng dalawang larawan: