Personal na pagbili ni Pope Francis ng sapatos, hinangaan sa social media

Halos walang pagsidlan ng kaligayahan ang ilang mga parukyano at ang nagbabantay sa isang pharmacy sa Vatican nang makita nila doon si Pope Francis na personal at mag-isang bumibili ng isang pares ng sapatos noong Martes, ika-20 ng Disyembre.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, bumili si Pope Francis ng isang pares ng orthopedic shoes na kanyang ginagamit upang maibsan ang sakit na nararamdaman dahil sa kanyang chronic sciatica.

Agad na naglabas ng kani-kanilang smartphones ang mga naroon at kumuha ng mga video at nag-selfie kasama ang Santo Papa. Sa isang video na in-upload ng isang Martina Duarte sa kanyang Facebook account, makikita ang Papa na binasbasan ang isang krusipiho na pag-aari ng nagbabantay sa pharmacy.

Maraming social media users ang humanga sa lider ng 1.2 bilyong mga Katoliko sa buong mundo sa ginawa niyang personal na pagbili ng sapatos at pakikihalubilo sa mga ordinaryong tao.

Loading…