Paolo Ballesteros nasa cover ng magazine, binansagang “King of Queens”

Tampok sa cover ng isang weekly magazine ang Eat Bulaga mainstay na si Paolo Ballesteros kung saan ay binansagan siya bilang “King of Queens.”

Ayon sa ulat ng GMA News Online, sinabi sa artikulo sa nasabing magazine na naglabas ng kanyang saloobin ang aktor, na gumanap na isang transgender woman sa pelikulang “Die Beautiful” na isa sa mga entries sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF), tungkol sa pagtrato ng mga Pinoy sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community.

Ani Paolo, tolerant naman daw ang mga Pilipino pagdating sa LGBT community, pero ang tolerance daw ay malayung-malayo ang kaibahan sa acceptance o pagtanggap.

Dagdag pa niya, sana raw ay mamulat ang kaisipan ng mga tao sa pinagdaraanan ng mga miyembro ng LGBT community sa pamamagitan ng Die Beautiful, na kasalukuyang dinadagsa ng mga manonod sa mga sinehan.

Sinabi ng The Summit Express na mahigpit ang paligsahan sa pagiging Day 1 top grosser sa MMFF ng Die Beautiful at “Vince & Kath & James” na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

 

Loading…