[Panoorin] Sanggol nalagay sa peligro matapos hablutin ng snatcher ang cellphone ng nag-aalagang babae

MAYNILA, Pilipinas – Nalagay sa panganib ang buhay ng isang bata matapos mabiktima ng mga walang konsensiyang isnatser ang babaing nag-aalaga sa kaniya.

Sa isang maikling CCTV footage na ibinahagi ng isang anonymous sender sa Facebook page ng Cebu Flash Report, makikita ang babaeng naglalaro sa cellphone at ang batang kaniyang inaalagaan na parehong nakaupo sa isang konkretong upuan sa harap ng isang bahay.

Makaraan ang ilang sandali ay makikita ang isang motorsiklo na may sakay na dalawang lalaking may suot na helmet.

Huminto ang mga lalaki sa harap ng babae bago makikitang bumaba ang angkas na nakasuot ng kulay bughaw na damit at mistulang may hawak na patalim.

Lumapit ito sa babae sabay sunggab sa hawak na cellphone ng huli. Subalit nakipag-agawan ang biktima hanggang sa tumayo ito at hindi namalayan na nahulog na pala ang kargang bata sa semento.

Makikita pang tumama ang ulo ng sanggol sa katabing upuan pagkalagpak nito sa lapag na konkreto.

Sa kasamaang-palad, nagtagumpay din ang mga kriminal na makuha ang cellphone ng babae bago ito tuluyang tumalilis.

Ilang sandali pa ang dumaan bago napagtanto ng tila takot na takot at naguguluhan pang babae ang nangyari sa kaniyang alaga bago niya ito dinampot at umalis sa lugar.

Base sa kopya ng CCTV, nangyari ang insidente nitong Miyerkules lamang pasado alas-3 nang hapon.

Panoorin ang video:

Source :

Facebook

Loading…