[Panoorin] Binatilyong may kapansanan, nakalilikha ng mga higantes

Sa Angono Rizal ay may isang kahanga-hangang 15-anyos na binatilyong may multiple inborn disability. Punit ang kanyang lalamunan at hindi ganap na maayos ang kanan niyang tainga. Nasa pangangalaga siya ngayon ni Mang Totie (Arturo Del Rosario)   na siyang nagmulat sa kanya ng paggawa ng higantes, na isang uri ng sining sa Angono Rizal at isa nang festival tuwing Nobyembre.

Sa kabila ng disabilities ni Buknoy na hindi nakapagsasalita, nagsusumigaw naman daw ang kanyang kagustuhan na mapamahal sa sining. Nakita umano ni Mang Totie na malinis siyang humawak, maayos at kalaunan ay nagtuloy-tuloy na kaya pinabayaan na siyang gumawa.

May problema man sa pagdinig, agad na tumugon si Buknoy sa tawag na turuan ang iba pang kabataan. Sa kapaskuhang ito, may pagpapalang dumating upang ang binatilyo ay matulungang makarinig.

Panoorin sa ulat na ito:

 

Source :

You Tube