Panoorin: 2 bata masuwerteng nailigtas ng isang alistong ama mula sa humaharurot na sasakyan

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita kung paano masuwerteng nailigtas mula sa isang tiyak na kapahamakan ng isang lalaki ang dalawang bata.

Hindi pa matukoy kung saan nangyari ang nakapapangilabot na insidente subalit una itong ibinahagi sa Facebook page na WinViral.ph nitong Huwebes lamang.

Sa maikling video, makikita ang dalawang batang naglalaro habang isang lalaki naman ang mistulang nagkukumpuni ng isang motorsiklo.

Ilang sandal pa biglang tumayo ang lalaki at parang may nararamdamang panganib na parating.

Makalipas ang ilang segundo, bigla nitong hinablot ang dalawang bata sabay sirko patalikod habang makikita ang isang humaharurot na sasakyan na muntik nang inabot ang mga biktima.

Dahil sa pagiging alisto ng lalaki, himalang nailigtas nito ang dalawang bata mula sa disgrasya na halos segundo lang ang pagitan.

Pinaniniwalaang anak ng lalaki ang isa sa mga batang naglalaro.

Umani naman ng papuri sa social media ang lalaki at marami ang humanga sa mabilis na pag-iisip at aksiyon nito na nakapagligtas ng dalawang buhay.

Panoorin ang viral video na napanood na ng halos 2-M beses:

Source :

Facebook