Pambansang Kamao “knockout” kay Pambansang Photobomber

Hindi umubra ang pagiging boxing champion ni Senador Manny Pacquiao nang “patulugin” siya ni Christopher “Bong” Go, ang special aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na binansagang Pambansang Photobomber, sa isang biruang boxing match na ginawa ng dalawa sa loob ng eroplano.

Sa isang video na in-upload ni Go sa kanyang Facebook account, makikita na pinaulanan ng mga pekeng suntok ni Senador Pacquiao si Bong Go matapos marinig ang “go signal” ng isang boses ng lalaki na hindi nakita sa video. Umakto pa si Go na tila matutumba, na ikinatuwa naman ng ibang mga pasahero sa eroplano.

Sa sumunod na eksena naman ay makikita si Go na pinaulanan din ng suntok ang natutulog na senador at ang katabing si Trade Secretary Mon Lopez.

“Pambansang Photobomber knocks out Pambansang Kamao. May bonus pa… pati DTI Secretary Mon Lopez, knock out din,” sabi ni Go sa inilagay niyang caption sa video.

Si Go at Pacquiao ay kabilang sa official entourage ni Pangulong Duterte nang magtungo ito sa Cambodia at Singapore.

Narito ang video na umani na ng mahigit 388,000 views at halos 5,300 shares:

Loading…