Oplan Tokhang, magpapatuloy kahit sa araw ng Pasko at Bagong Taon – PNP

Magpapatuloy pa rin ang Oplan Tokhang o ang pagbisita ng mga pulis sa mga bahay ng drug suspects upang kumbinsihin silang sumuko sa pamahalaan kahit sa araw ng Pasko at Bagong Taon, ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ng GMA news Online, sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Sr. Supt. Dionardo Carlos na hindi tatantanan ng PNP ang “Project Tokhang.”

“Tuloy po iyan,” aniya.

Ipinaliwanag rin ni Carlos kung bakit hindi na babalutan ng masking tape ang nguso ng mga baril ng mga pulis sa panahon ng kapaskuhan tulad ng nakagawian. Ang desisyon ay wala raw kinalaman sa kampanya laban sa ilegal na droga.

“Ang performance po ng pulis, kapag kakailanganin niya ‘yung lethal weapon, puwede po niyang magamit ‘yung baril. Hindi po konektado ‘yung hindi po natin paglalagay ng masking tape doon sa ating mga baril doon sa campaign natin against drugs,” paliwanang niya.

 

Source :

GMA Network