Netizen matapang na ipinagtanggol si VP Leni laban sa mga batikos ni Mocha Uson

MAYNILA, Pilipinas – Isang netizen ang matapang na nagtanggol kay Vice President Leni Robredo laban sa mga batikos ni Mocha Uson na kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Image capture of Dizon’s Facebook post

Sa kaniyang Facebook post na umani na ng mahigit 10,000 shares at 39,000 likes, partikular na tinuligsa ni Irish Christianne Dizon ang mga patutsada ni Uson kay Robredo matapos sabihin ng huli na wala siyang intensiyong basahin ang blog nito.

Sinabi rin ni Uson na ibang-iba na raw si Robredo kumpara noong nagsisimula pa lamang ito sa pulitika dahil ‘inilalayo’, imbes na ilapit,  ng Pangalawang Pangulo ang sarili nito sa masa.

Subalit ayon kay Dizon, hindi porke’t hindi nagbabasa ng blog ni Mocha si Robredo ay ‘ibang-iba’ na ito. Kung tutuusin daw, nakatira pa rin ang huli sa isang payak na condo unit at ‘nagsisilbi pa rin nang tapat’, taliwas sa ibig ipahiwatig ni Uson.

“Tsaka isang nakakababaeng trivia: mas mahal pa yata pinupuntahan mong salon kung saan ka nagpapa-rebond ng buhok mo kesa sa pinupuntahan niyang parlor,” paliwanag ng netizen.

Hindi rin umano totoo na puro ‘elitista’ na lamang ang nakakasalamuha ni Robredo dahil madalas din nitong makadaupang-palad ang mga magsasaka, mangingisda, mga indigenous people’s groups, at mga mahihirap; at ang lahat ng ito ay dukomentado. (Please turn to next page to continue reading)

Source :

Facebook

2 Comments

  1. kahit anong klaseng depensa pa yan teh, kilalang-kilala na ang mga yellowtards na gagawin lahat makuha lang gusto nila. mayaman kasi sponsor byuda. congrats nalang sayo teh!! parang nanalo ka nadin ng sweepstakes. pa.burger naman dyan!!

Comments are closed.