Matataas na opisyal ng PNP tatanggap ng P50k – P400k bonus galing kay Duterte

Ilan sa matataas na opisyal ng pulis ay makakatanggap ng Christmas bonus na nagkakahalagang P50,000 hanggang P400,000 galing sa pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay dahil sa “successful” na kampanya kontra sa ilegal na droga, pahayag ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa ngayong Lunes. Bagama’t ang cash na regalo ni Duterte ay hindi aabot sa mga hanay ng pulisya na siyang nasa harap ng operasyon.

“That’s how much he (President) supports the PNP. Love na love niya ang PNP kaya lahat tayo happy,” sinaad ni Dela Rosa sa Christmas party ng mga pulis opisyal at ang kanilang kaanak sa Camp Crame.

Ani ni Dela Rosa, ito any unang pagkakataon na ang pangulo ay magbibigay ng Christmas bonus sa mga opisyal ng PNP.

“Kunin n’yo pamasko n’yo ranging from P400,000 at pinakamababa P100,000 sa mga star-rank officers. Pinakamababa sa mga hindi star-rank mga P50,000. Okay na sa inyo ‘yon?” Sabi ni Dela Rosa, at sinagot siya ng ‘Yes’.

Dahil si Dela Rosa ang pinaka-mataas na opisyal ng PNP, siya ay inaasahang tatanggap ng P400,000. Habang ang ibang ‘star-rank’ na opisyal sa PNP command group, regional at provincial directors, heads ng national support units – simula sa director hanggang chief of staff ay tatanggap din ng hihigit sa P100,000.

Mga opisyal na may ranggong senior superindendent at pababa ay tatanggap ng hihigit sa $50,000.

Sinabi ni Dela Rosa na pwede nilang kunin ang mga bonus sa kaniyang opisina simula nitong Lunes.

Sa press conference pagkatapos the programa, ipinaliwanag ni Dela Rosa na hindi na kakayanin ng budget ng pangulo kung bibigyan din ang mga lower ranking na opisyal. Karamihan sa kumikilos sa PNP laban sa ilegal na droga ay mga junior na opisyal and non-commissioned na opisyal.

“Hindi naman kaya ni Presidente bigyan lahat. While gusto nya bigyan lahat down to the last PO1 and NUP (non-uniformed personnel), wala na mangyayari. Hindi kakayanin ng pera kung saan niya hahanapin yung pera na ‘yan but that’s enough for us dahil first time nangyari dito sa PNP na meron talagang cash gift from Malacañang. So everybody enjoys,” sabi ni Dela Rosa.