Look: Bangs Garcia niregaluhan ng mamahaling sasakyan ng Fil-Brit na boyfriend

MAYNILA, Pilipinas – Isang surpresang regalo ang natanggap ng actress-model na si Bangs Garcia mula sa kaniyang Filipino-British na kasintahan nitong Pasko.

Sa kaniyang Instagram account, ipinagmalaki ni Bangs ang ibinigay na BMW 4 series M Sport mula sa kaniyang boyfriend na si Lloydi Birchmore.

“My 2016 definitely started with a big surprise from @lloydiboi24 by proposing to me in Boracay last January and now he made sure that my year is going to end with another big surprise as well by giving me a BMW 4 series M Sport as Christmas/Wedding Gift,” ayon sa sexy actress.

Ayon pa sa aktres, maaaring kabilang umano ang naturang regalo sa mga paraan ni Birchmore para tuluyan siyang makumbinse na sumama na sa kaniya sa London. Nasorpresa din umano siya sa regalo ng kasintahan.

“He’s usually not so good at surprising me with his presents but he sure did surprise me yesterday,” dagdag pa ni Bangs.

Ang dalawa ay nakatakdang magpakasal sa Boracay sa susunod na taon matapos ang mahigit dalawang taong relasyon.

Noong nakaraang Enero, ibinulgar ni Bangs na ‘engaged’ na sila ng kaniyang boyfriend sa pamamagitan ng isang Instagram post din.

Sa Boracay unang nagkita ang magkasintahan kaya dito nila nais mag-isang dibdib bago tumulak sa United Kingdom para muling magpakasal.

Samantala, sinubukan niya na umanong gamitin ang mamahaling sasakyan noong Pasko at napakaganda nito.

“And Oh!  I took the car out for my first spin last night and it was good fun!?? Thank you for always being so thoughtful baby ko @lloydiboi24 ? I love you so much!” ayon pa sa post nito.